Tuesday, August 2, 2011

Cauliflower

CAULIFLOWER!!

Ang cauliflower ay napagkakamalan nating broccoli and vice versa, at hindi naman ito nakapagtataka dahil iisa lang naman ang pamilyang pinagmulan ng mga ito, kumbaga they belong to the cruciferous family, ang pamilya ng gulay na tanyag dahil sa taglay nitong mga nutrients na panlaban sa maraming sakit.

Ang cauliflower ay mayroong dalawang pinakamahalagang sangkap na sa buong cruciferous family ay pangunahing panlaban sa karamdaman. Ito ay ang INDOLE-3 CARBINOL o ang tinatawag nating 13C at ang photonutrient na SULFORAPHANE.

Batay sa isinagawang pag-aaral sa John Hopkins University sa Baltimore, ang SULFORAPHANE ay nakapagpababa sa breast tumor sa mga hayop ng halos 40%. Ang mga toxins o lason na karaniwang sumisira sa mga cells na naging cancerous ay nililinis at inaalis ng SULFORAPHANE sa sistema, preventing the tumor before they begin.

Ang 13C naman ay katulong ng SULFORAPHANE bilang anti-estrogen. Ang mataas na level ng estrogen ay kilalang nagpapalaki ng tumor, lalung-lalo na sa suso (breasts) at sa prostate glands. Tumutulong ang 13C para mapababa ang bilang ng estrogen at mapatigil ang paglaki ng tumor.

Ang cauliflower ay excellent source din ng VITAMIN C at FOLATE. Ang folate ay tumutulong sa dugo upang makapagtrabaho ito ng maayos at kadalasan din itong nirerekomenda para sa pag-iwas sa anemia. Ang folate din ay mahalaga para sa proper growth ng tissue upang maiwasan ang mga sakit na cancer at puso.

Ang VITAMIN C naman ay itinuturing na anti-oxidant. Kung gagamitin ito kasama sa ibang anti-oxidants gaya ng VITAMIN E at betacarotene ay ito ay mas lalong nagpapalakas ng immune system.

Ang cauliflower ay mayaman din sa potassium, fiber, phosphorous at vitamin B.

No comments:

Post a Comment